Monday, March 15, 2010

Stambay


Umaga’y sadyang nasisira
Sa mga taong walang magawa
Mata’y inaantok sa kalye nagmumukmok
Sila’y mga stambay na walang magawa sa buhay.
Stambay ang siyang nagkalat sa lahat ng barangay.
Bakit nga ba sila’y pinanganak?
Na walang magawa sa buhay.

Magulang ang naghirap upang sila’y mabuhay
Anak na sumusuway na siyang pawang stambay.
Buhay ay sadyang kayhirap;
Ngunit pawang sa mga stambay ay masarap.

Bakit nauso pa ang stambay?
Mga taong naghihintay ng wala.
Mga taong naghahanap ng away;
Mga taong walang kamalay-malay sa takbo ng buhay.

Mga stambay na sadyang kaawa-awa;
Tatanda na walang mapapala ;
Stambay ang siyang dahilan;
Kaya’t tayo’y nahihirapan sa pagsulong ng buhay.

Kaibigan Ko







Kaibigan ang siyang aking matatakbuhan
Sa lahat ng aking pangangailangan.
Kaibigan ko’y sadyang ganyan
Upang aking ipagmayabang.

Kaibigan salamat saiyo;
Ikaw ang taong sa akin nagbibigay karangalan.
Upang maging matatag at maunawaan
Na buhay ay sadyang ganyan lamang.

Kaibigan ko’y iyong tandaan,
Kahit anung oras at panahon
Ako’y iyong maaasahan
Ako ang iyong natatanging kaibigan.

Kaibigan ko’y pawang pagpalain
Sa kanyang pangarap at hangarin
Upang siya’y maging matagumpay sa buhay.
Kaibigan ko’y iyong pagkatandaan?
Ang pag-ibig ay di hanggan
Ngunit, ako iyong kaibigan na sadyang nariyan upang ikay damayan
Sa iyong nararamdamang kasakitan.

Ang iyong kasakitan ay kasakitan ko rin
Ang iyong kaligayahan ay kaligayahan ko rin.
Ang iyong tagumpay ay tagumpay ko rin.
Ang iyong karangalan ang siyang aking hinahangad.
Kaibigan salamat sa lahat ng iyong pagmamahal
Pagmamahal mo na siyang aking pinapangalagaan.
Upang ika’y aking mapaghandugan
Na aking pagmamahal na wari’y walang hanggan.

Buhay Ko’y Sayo


Bawat isa ay may sariling kakayahan
Upang lahat ay lumaban.
Ngunit,ang kakayahang ito’y pawang bigo lamang.


Hirap ng buhay ang sadyang aking tinatamasan.
Ako’y sadyang lumayo noon.
Upang hindi mapagmasdan
Ang ina`y kong nagtatamu ng kahirapan
.

Sa aking paglayo
Ako’y walang iniisip kundi inay lamang.
Ayaw kung nakikitang ina’y nasasaktan
Pagkat ang puso ko’y nahihirapan.

Naging mahirap ang takbo ng aking buhay.
Dalawang taon ako sa inay nawalay
Lahat ng hirap ko’y sa inay inialay
Pagkat buhay koy sa inay lang.

Kay raming panahon akong nag-alala sa inay.
Walang gabi akong hindi umiiyak nag-aasam inay makita’t mayakap.
Lahat ng hirap sa Diyos minamakaawa
Upang ina’y bigyang kalingga.

Inay ikaw ang syang aking gabay
Upang ako’y mabuhay.
Ikaw ay walang kapantay sa anumang bagay
Ikaw ang iking puso Oh, aking inay….


Pinoy Na Pinoy




Itong Bayan ko’y sadyang kaaya-aya;
Pamumuhay na sadyang iba-iba.
Bayan ko’y may sariling Kultura.
Na nagbibigay ng ligaya

Iba’t ibang tao na sadyang ginugunita ang sariling kultura.
Bayan ko’y isa sa may pinikamagandang kultura
Kahit saan man magpunta.
Kultura’y sadyang dala-dala

Damit na sadyang kaaya-aya;
Sayaw at galaw na iba-iba;
Kagamitan na pawang kay hali-halina;
Mga binatang sadyang bihasang-bihasa
Mga kababaihan na sadyang kayganda.

Silang lahat ay sadyang parte ng kultura
Kultura’y ating pagyamanin upang sa iba’y tangkilikin
Kulturang hindi nag-iiba saan man magpunta.
Kulturang sadyang walang katulad.
Na dapat nating ipamana sa ating bagong henerasyon.
Kultura ang siyang larawan ng ating Bayan.

Tulang Pangkalikasan


Sa simula nang likhain ni Bathala ang daigdig.
Kay raming magandang bagay na sa ating buhay nakakaantig.
Sagana sa prutas, likas na yaman, kalikasan.
Na pawang walang buhay ang masayang.
Sa paglaon ng panahon
Mga likha ni Bathala ay nagkasala at sumuway.
Upang maglikha sa atin ng kahirapan.
Na sadyang ating tinatamasa.

Buhay ngayon wala sa noon.
Buhay noon pinapahalagahan
Ngunit buhay ngayo’y pinapabayaan.
Sadya bang kaylupit ng panahon?
Oh, likha ng Bathala ang wari’y sadyang dahilan?

Bakit ganito ngayon, iba sa noon.
Ni walang pagpapahalaga sa buhay ng bawat isa.
Dati’y buhay sadyang sagana
Ngunit ngayo’y naging iba.

Kagandahan ng kalikasan ay pawang nawawala
Mga Luntiang kalikasan ay nawawala.
Asul na Dagat ay sadyang itim na
Wag nating aksayahin ang ating kapaligiran.

Sanay panahon lang ang magbago
Wag lang ang puso ng mga tao .
Na wari’y takot sa pagkitil ng buhay
Na sadyang kadahilanan sa ating kahirapan
Kalikasan ating pahalagahan.
Sagipin natin ang bawat buhay
Na sadyang nasayang ng panahon.




Nasayang Na Pag-ibig


Buhay ko’y walang halaga,
Ngunit, nang dumating ka;
Buhay ko’y sadyang kay saya.
Ikaw ang siyang bigay ng maykapal;
Lahat gagawin ko para lang sayo.
Pati buhay ko para sa’yo.


Magulang ko’y aking sinuway;
Pagkat ikaw ang aking buhay.
Ngunit, sa paglaon ng panahon ika’y nagbago.
Puso ko’y binasag mo!!..
Ang lahat ng iyong sinasabi ay pawang mga kasinungalingan lamang,
Sinungaling ka pala, pag-ibig mo’y walang halaga!!..


Bakit mo nagawa ito sa akin sinta?
Ako ba’y sayo’y walang halaga?
Sinayang mulang ang pag-ibig ko sinta,
Oh! Anu ba nagawa ko?
Bakit akoy ginaganito mo?

Ako’y taong wari’y naghahangad ng pag-ibig.
Na walang iniisip kundi maipadama ang pag-ibig.
Ako ba kaya’y sadyang pinanganak na sawi?

Oh, kay lupit lang talaga ng pag-ibig?
Pag-ibig lang naman ang siyang dahilan,
Upang buhay ko’y mabigyang kulay.
Pag-ibig na walang hanggang upang ako’y mabuhay.